Sunday, June 21, 2009

May isang sundalo (Unang Bahagi)

Manong, aanhin pa ang mga bala’t baril kung sa mundo’y iiral ang pag-ibig? Napapatula ako, Manong. Ibang klase kasi itong karanasan ko na ikukuwento ko sa ‘yo.

Sundalo ako na ipinadala sa Mindanao. Kasama ako sa hukbong sandatahan na tutugis sa mga bandido. Masusukol na sana namin ang mga kaaway pero nang dahil sa pagkakamali sa aming taktika, kami ang nasukol ng mga ito. Tatlo agad sa mga kasama ko ang tumimbuwang nang makubkob kami sa isang liblib na lugar. Mabilis ang palitan ng mga putok. Nakita kong nakalabas ang ulo ng isang bandido at ito’y agad kong pinutukan. Nakita ko pa kung papaanong bumaligtad ito. Pero ilang sandali ang lumipas, ako naman ang tinamaan ng bala sa bandang singit at kaliwang balikat. Nabuwal ako sa damuhan at nakita ko pa ang mabilis na haginit ng mga bala bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Nagising na lang ako na nasa isang public hospital, inaasikaso ng nurse na nagngangalang Joan. Sa tantya ko, nasa 26 na siya. Bagama’t morena ang balat hindi ito dahilan upang hindi lumutang ang kanyang ganda. Kamukha nga niya si RR Enriquez. Balingkinitan ang kanyang katawan subalit naglulumuwa ang kanyang dibdib sa suot niyang puting uniform. Balbunin din siya at maganda ang kanyang mga mata.

Nginitian ako ni Joan at nagbalik din ako ng pilit na ngiti. Masakit pa rin ang mga tama ko. Mabuti na lang at hindi ako napuruhan sa sagupaan. Maya-maya pa, nagpaalam na si Joan pero bago tuluyang umalis, nagtapon siya ng mapang-asar na ngiti. Inisip ko kung bakit. Huli na nang malaman ko na wala na pala akong suot na brief at nakukumutan lang ang aking ari na bagama’t walang tindig ngayon ay malaki pa ring maituturing. Pilya, ang tanging nasabi ko sa sarili. Kung puwede ko nga lang siyang habulin sa hallway ng ospital at biglang siliin ng maraming halik. Humanda siya sa kanyang pagbalik.(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment