Sunday, July 12, 2009

Ang assassin (Ikalawang Bahagi)

Mahigpit ang bilin sa akin ng aming pinuno na huwag akong lalabas ng motel dahil delikado ang sitwasyon sa labas at baka mapurnada pa ang aming plano. Nagkalat kasi ang Metrocom at iba pang espiya ng diktador. Maghintay lang daw ako sa tao na maghahatid ng buong detalye ng misyon. Kakatok ito sa pinto ng aking kuwarto at kailangan kong hingian ng koda. Kapag tama ang koda na ibinigay, patutuluyin ko ang sugo sa kuwarto. May dala itong sobre na naglalaman ng komprehensibong plano ng misyon.

Dahil sa labis na pagkabagot, nakatulog ako at nagising dahil sa malalakas na katok sa pinto. Sumapi sa akin ang kaba at takot dahil sa pag-iisip na baka natunton na ako ng mga pulis. Agad kong kinuha sa tabi ko ang kalibre .45, ikinasa ko ito saka ako tumayo at iniumang ang baril sa direksiyon ng pinto.

“Sino ‘yan?!”

Umaasa na ako na malaking boses ng isang lalaki (tinig ng parak)ang sasagot sa tanong ko pero nabigla ako dahil isang malamyos na tinig ng babae ang nagmumula sa kabilang bahagi ng pinto.

“Si Monica. Ako si Monica.”

May pagkaburgis ang tinig ng babae. Ipinagkakanulo ng boses niya ang mayamang uring kanyang pinagmulan. “Ano’ng ang koda, Monica?”

“Tatsulok. Tatsulok ang koda.”

Tama ang kodang ibinigay niya kung kaya ibinababa ko na ang hawak na baril. Si Monica ang sugong ipinadala ng aming grupo. Sa labis na kasabikan dahil matutuloy na rin ang importanteng misyon na ilang araw ko na nang hinihintay, mabilis kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang isang babeng maganda, maputi, at balingkinitan. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang lagpas-tuhod na palda, puting blusa, at itim na sandalyas. Pero nagtataka ako kung bakit labis-labis ang kanyang ngiti. Huli na nang malaman ko ang dahilan: hubo’t hubad pala ako at ang aking nakatirik na ari, nakatutok sa kanya na parang kalibre .45.(Itutuloy)

Thursday, July 9, 2009

Ang assassin (Unang Bahagi)

Tatlong dekada nang nasa isip ko ang ikukumpisal ko sa ‘yo, Manong. Binata pa ako nang mangyari ito. Baka nga magkasing-edad lang tayo ngayon. Pero bilang respeto na rin sa ‘yo kung kaya “manong” pa rin ang itatawag ko sa ‘yo. Kumbaga, kumpisal ng isang manong kay Manong.

Panahon ito ng ligalig para sa sambayanang Pilipino. Pinaghaharian ang ating bansa ng diktador na lider, mga alipores, at ng hukbong sandatahan. Binubusalan ng estado ang bibig ng taumbayan gamit ang malulupit na galamay nito tulad ng korte at militar. Pinapatay at ikinukulong ang mga nagtatangkang lumaban kung kaya patuloy na napipipi ang mga tao sa kabila ng paghihimagsik sa puso ng mga ito. Dahil dito, patuloy na naghahari ang diktador kasabay ng pagsamsam nito sa yaman ng bayan.
Kung hindi umaalma ang karamihan sa mamamayan, may isang grupo ng armadong kabataan na handang makipaglaban para lang makamit ang kalayaan mula sa mapanupil na lider. Hindi kami kasama sa kasaysayan ng pakikibaka laban sa diktador dahil sadyang inilihim namin ang bawat galaw at kilos ng aming maliit pero palabang samahan. Hindi rin alam maging ng mga mga armadong kilusan na umiiral ang aming grupo. Tinitingala namin ang mga armadong kilusang iyon. Sila ang aming mga idol. Hindi man magkaalyado ang aming mga organisasyon, iisa lang ang aming layunin.

Nasa isang mumurahing motel ako sa Sta. Cruz, Maynila at mahigit isang linggo nang naghihintay sa ibababang mahalagang misyon ng grupo. Tanging tunog ng elisi ng lumang bentilador at tulo ng sirang gripo ang pumapawi sa aking pagkainip. Ilang beses ko na ring kinalas at nilinis ang riple at kalibre .45 na gagamitin ko sa misyon na magiging mitsa upang mapabagsak sa umiiral na bulok na sistema. Mahalaga ang papel ko rito dahil ako mismo ang kakalabit sa gatilyo. Hindi ko pa alam kung sino ang target. Basta ang alam ko lang, isa itong bigating tao sa gobyerno. (Itutuloy)

Monday, July 6, 2009

Utos ng hari (Huling Bahagi)

Matapos isara ni Sir Roland ang bintana ng kuwarto para hindi pumasok ang ulan. Naghubad na rin siya. Tunay nga na matipuno ang pangangatawan ni Sir Roland kahit na may edad na ito. Hubo’t hubad siyang lumapit sa akin.Parang sibat na naghahanap ng matutuhog ang kanyang tirik na tirik na ari.

Hindi ako pinatayo ni Sir Roland mula sa aking pagkakaupo. Hinimas niya ang aking buhok at idinikit niya sa bibig ko ang kanyang tirik na tirik na ari na agad ko namang isinubo. Pero imbes na ang ulo ko ang gumalaw, siya ang umindayog. Nakanganga lang ako habang bumabayo siya. Tumutulo sa bibig ko ang laway at kitang-kita ko sa mukha niya ang sarap na dulot ng aking bibig kaya lalo akong ginanahan imbes na mangawit. Kinapitan ko rin ang puwet niya na ang nagtutumigas ang mga muscles para magsabay ang aming galaw.

Nang malapit nang labasan si Sir Roland dahil sa marahas niyang pagbayo sa aking mainit na bibig, bigla siyang tumigil at sinabihan niya ako na tumuwad. Agad naman akong tumuwad ako habang nakakapit sa mesa ang dalawang kamay. Hinubad niya ang panty ko at dinilaan niya mula sa likuran ang aking basang-basa kaangkinan. Malikot ang paglalaro ng kanyang matigas na dila at dinadaanan din nito ang butas ng puwet ko kaya naman lalo akong nababaliw sa sarap. Dinidilaan din niya pati ang mismong tambok ng puwet ko. Napapadiin ang pagkakakapit ko sa mesa at lalo ko pang idinidikit ang puwetan ko sa mukha niya. Sinusulyapan ko rin siya habang patuloy ang pagdila niya sa aking kaangkinan. Parang libu-libong boltahe ng kuryente ang nagtatalbugan sa buong katawan ko kaya pinakiusapan ko siya na kung maaaring pasukin na niya ang guhit ng aking pagkababae.

Marahang iniarko ni Sir Roland ang likod ko bago niya ipasok ang ari niya sa pagkababae ko. Parang may bara ang aking pagkababae kahit basang-basa na ito pero tuluy-tuloy nang pumasok ang matulis, mahaba, at matigas niyang ari matapos ang dalawa o tatlong pagtatangka. Napasigaw ako nang malakas nang tanggapin ng pagkakababae ko ang kabuuan ni Sir Ronald. Sa unang pagkakataon, natagpuan ko na ang matagal ko nang hinahanap. Sa simula, dahan-dahan lang ang indayog ni Sir Roland. Parang tinatakam-takam niya ako pero nang hindi na rin niya mapigilan ang sensasyon, siya na mismo ang nagmabilis sa kanyang pag-indayog. Hindi lang ako ang napapasigaw nang malakas sa bawat pagbayo niya, maging siya rin ay nagiging maingay na. Umiingay rin pati ang mga paa ng mesang kinakapitan ko. Halos sabay naming naabot ang kaluwalhatian dahil sa parang pinag-isa ang ritmo at galaw ng aming katawan.

Nagbihis na kami pagkatapos ng aming pagtalik pero hindi pa rin naman kami makaaalis agad dahil lalo pang lumalakas ang ulan sa labas. Dumating na yata ang Bagyong Emong. Sinabihan ako ni Sir Roland na huwag muna kaming umalis hangga’t hindi pa tumitigil ang ulan. Natawa ako d’un. Natawa rin siya. Kasi naman, para na rin niyang sinabi na magdamag kaming magkakantutan. Bakit hindi?

Manong, naka-uno ako sa subject ko kay Sir Roland at nagpatuloy ang relasyon ko sa BF ko sa kabila ng nangyari pero natatakot ako dahil hindi ko pa rin makalimutan si Sir Roland hanggang ngayon. Parang hinahanap-hanap ko siya. Balak ko ngang mag-enroll sa isang subject niya next sem. (Wakas)

Utos ng hari (Ikaapat na Bahagi)

Malakas na ang ulan sa labas nang lapitan ako ni Sir Roland. Dahan-dahan niyang hinaplos-haplos ang mukha ko habang nakatitig sa akin. Nakapagpapainit ang kanyang titig. Pinawi ng titig na ‘yon ang malakas na kaba sa dibdib ko. Agad na nawala ang lahat ng pag-aalinlangan ko. Kumapit ako sa kanyang mga braso habang patuloy pa rin siya sa paghaplos sa mukha ko patungo sa aking leeg, batok at ulo. Nakakikiliti ang paggapang ng kanyang mga kamay.

Lumuhod si Sir Roland sa harap ko at sinalubong ko ang mga labi niya na parang pagsalubong sa mga barko na papadaong sa pier. Sa simula, dahan-dahan lang ang aming paghahalikan pero naging mabilis iyon. Naghahalo na ang aming laway at nagpupulupot na rin ang aming mga dila. Sapu-sapo niya ang aking mukha habang naghahalikan kami kaya nadudunggol ng mga braso niya ang aking mga suso na nagtutumayo na ang mga nipples. Parang girlfriend ang pagtrato niya sa akin at hindi para makaraos lang. Gusto ko ang style niya dahil lalo itong nakapagpapalibog sa akin. Hindi tulad ng ibang lalaki na sex lang gusto kapag dumidiskarte.

Hinubad ni Sir Roland ang aking shirt habang nakaluhod siya at agad na hinanap ng mga labi niya ang mga nipples ko. Sinabahib niya ang nilalagnat kong mga utong. Parang mga tupa ang kanyang mga labi na nanginginain sa isang masaganang damuhan at ako ang kanyang pastol dahil iginigiya ko ang kanyang ulo. Napapaangat ang puwet ko sa kinauupuan dahil sa sarap na dulot ng pagkakasuso niya sa akin. Napapasabunot na lang ako sa kanya.

Hinubad na rin ni Sir Roland ang skirt ko maya-maya. Idinikit niya ang kanyang ilong sa ibabaw ng aking panty. Inaamuy-amoy niya na parang aso ang aking basa nang kaangkinan saka niya dinilaan ang butas ko kahit nakukublihan pa ito ng panty. Naghahalo sa panty ko ang aking katas at laway niya. Napapaliyad ako dahil sa sobrang kiliting dulot ng dila niya. Habang ginagawa niya ang pagdila sa aking kaangkinan, nilalamas niya rin ang umaalug-alog kong mga suso.

Dahil tangay na tangay kami sa makamundong pagtikim sa isa’t isa, hindi namin namalayan na binabayo na pala ng malakas na hangin at ulan ang bintanang salamin ng kuwarto at pumapasok sa loob ang tubig-ulan. (Itutuloy)

Wednesday, July 1, 2009

Utos ng hari (Ikatlong Bahagi)

“Pasok,” ang mahinang sabi ni Sir Roland matapos ang pagkatok ko sa pintuan ng faculty room niya. Inayos ko muna ang suot kong shirt para hindi maglumuwa ang mga breasts ko. Kabado pa rin ako pero sabi ko sa sarili ko, kailangan kong lakasan ang loob ko dahil future ko ang nakataya rito. Marahang kong pinihit ang doorknob ng pinto at pumasok.

Pinaupo ako ni Sir Roland sa silyang nasa harap ng kanyang mesa. Ngumiti muna siya bago huminga nang malalim at saka niya sinimulan ang kanyang litanya tungkol sa mga problema niya sa akin bilang estudyante niya. Kasama sa kanyang litanya ang madalas kong pag-absent, ang hindi ko pagsagot ng tama sa mga recitations, higit sa lahat, ni isa, wala akong ipinasa sa mga exams na ibinigay niya. Importante raw ang mga exams na ito sa pagbibigay niya ng grade. Sinubukan kong mangatuwiran sa alam kong tama ako pero binabara lang niya ako ng mga puntong higit na tama. Kaya nanahimik na lang ako habang tuloy pa rin ang kanyang paglilitanya. Tinapos niya ang kanyang litanya sa pagsasabing ibabagsak niya ako.

Parang sumabog sa mukha ko ang bomba. Alam ko naman na nanganganib ako sa subject na hawak ni Sir Roland pero iba ang dating kapag nanggaling mismo ito sa bibig ng propesor. Hindi ako nakapagsalita, napayuko, at napansin ko na lang na tumutulo ang aking luha. Ang pakiramdam ko, gumuho ang mundo ko. Huli na nang mapansin ko na nakalabas na pala ang halos kalahati ng suso ko. Nang mapatingin ako kay Sir Roland, nahuli ko ang mga mata niya na nakatitig sa suso kong natuluan ng sarili kong luha. Pero hindi niya inalis ang kanyang pagkakatingin sa nakabuyangyang na bahagi ng aking katawan na ewan ko kung bakit hindi ko nagawang ayusin.

Mayamaya, naramdaman ko ang mainit na haplos ng kamay ni Sir Roland sa braso ko. Sabi niya sa akin, may pag-asa pa at hindi ko kailangang umiyak. Nagpatuloy siya sa paghaplos sa braso ko. Marahan at masarap na haplos. At doon lang pumasok sa isip ko ang dahilan ng pagpapapunta niya sa akin sa kuwarto. Ipapasa niya ko kung papatol ako sa kagustuhan niya.

Naririnig ko mula sa kuwarto ni Sir Roland ang malakas ang ihip ng hangin sa labas. Uulan na yata nang malakas. (Itutuloy)

Tuesday, June 30, 2009

Utos ng hari (Ikalawang Bahagi)

Bagama’t terror ang tawag sa kanya sa campus, hindi naman horror ang pagmumukha ni Sir Roland. Sa katunayan, kahit pa sangkataberbang estudyante na ang kanyang ibinagsak, hindi pa rin maiwasan ng ilang bumagsak na babae ang mapatili kapag nakikita ng mga ito si Sir Roland na naglalakad sa hallway. Parang nalilibugan pa ang mga ito sa grade na 5.0 sa subject na itinuturo ni Sir Roland.

Guwapo naman kasi si Sir Roland kahit sabihin pang pumapalo na ang edad nito sa 40. Sa subject ko nga sa kanya, halos 95% ang bilang ng mga babae sa klase at ang karamihan, sexy kung manamit. Isa na ‘ko run. Malamang nasisilip ni Sir Roland ang panty at singit ng karamihan sa mga kaklase kong babae. Isa rin ako r’un. Malaki at malusog din ang pangangatawan ni Sir Roland dahil regular itong tumatakbo sa oval at member din siya ng org ng mga mountaineers. Saka matikas kung manamit si Sir Roland, hindi katulad ng ibang prof na panahon pa ng Hapon ang porma. Si Sir Roland, s’wak sa uso.

Minsan nang naintriga sa campus si Sir Roland. Maugong na tsismis ito. Lahat ng kampo, may version ng istorya. Kumbaga sa showbiz, na-link siya sa maganda at super hot na propesora na asawa ng chancellor namin. Napabalita na nag-sex sina Sir Roland at ‘yung asawa ng chancellor namin sa isang science lab sa campus nang parehong abutan ng libog. Buong magdamag daw na nag-sex ‘yung dalawa at marami rin daw test tube ang nabasag. Halos madurog sa kahihiyan si Sir Roland. Mabuti na lang at mariing itinanggi ng propesora ang nangyari. Nakalusot si Sir Roland sa chancellor namin at naisalba niya ang teaching career niya. Pero hindi naman daw talaga tumigil sa pagkikita ang dalawa. Tuloy pa rin daw ang mga ito sa palihim na pagtatalik. Napabalita pa nga nag-sex ang mga ito sa mismong office ng chancellor nang magpunta sa Visayas ang university official.

Nang sabihin sa akin ni Sir Roland na puntahan ko siya sa faculty room niya ngayong hapon, bigla akong kinabahan. Naisip ko na baka ibabagsak na ‘ko ni Sir Roland dahil ‘di nga ‘ko pumasa sa lahat ng exams namin at ‘di na niya ako pakukunin pa ng final exam dahil balewala rin naman ito. Pero baka naman bibigyan niya ‘ko ng chance na maipasa pa ang subject.

Nang dumating ako sa College of Science bago mag-4PM upang puntahan sa room niya si Sir Roland, halos wala nang tao sa building, hindi ko alam na dinismis na pala ng chancellor ang lahat ng klase kanina pang tanghali dahil sa nagbabanta ang isang malakas na ulan bago gumabi.

Matapos magbasa ng kung anu-ano sa mga bulletin boards, nagpunta na ako sa room ni Sir Roland. Hindi pa rin mawala ang kaba ko habang naglalakad sa hallway ng mga faculty rooms. Napansin ko ang lalo pang paglobo ng mga breasts ko dahil sa matinding takot. Natawa na lang ako sa sarili ko nang mapansing halos nakalabas na ang mga suso ko dahil sa malalim na bukas ng suot kong shirt. (Itutuloy)

Monday, June 29, 2009

Utos ng hari (Unang Bahagi)

Manong, masarap din naman pala ang sex kahit dala lang ito ng mahigpit na pangangailangan. Tulad ng ikukumpisal ko sa ‘yo ngayon.

Bago i-dismiss ni Sir Roland Zarea ang Natural Science class namin, pagalit na sinabihan niya ‘ko na puntahan ko siya sa faculty room niya mga bandang 4PM.
“Lagot,” ang nasabi ko na lang sa sarili ko. Bagsak kasi ako sa first exam, second, third exam at malabo nang mahabol ko pa ‘to sa final exam na ibibigay niya next week. Sa totoo lang, ‘di ko p’wedeng ibagsak ang subject ko kay Sir Roland dahil sigurado akong malilintekan ako sa tatay ko na kumakayod bilang taxi driver. Alam ko na hirap na hirap na sila ng nanay ko sa pagpapaaral sa akin. Saka isa pa, ano na lang ang sasabihin ng boyfriend ko na cum laude standing sa college niya sa school namin.

Pero hindi rin naman ako masisisi ng tatay, nanay, at boyfriend ko dahil sa simula pa lang, alam kong hindi para sa akin ang pag-aral. Mas gusto ko ang magtrabaho na lang para makatulong din sa pamilya ko kahit papano. Dati akong promo girl sa mga pa-events ng yosi at beer. Malaki rin ang kinikita ko r’un bukod pa sa marami akong napupuntahang mga gimmicks. Pinatigil na lang ako ng mga magulang ko nang ‘di na ‘ko nakakapasok sa klase dahil laging puyat. Nagselos din ang BF ko nang makita niya ako na gustong halikan ng isang customer sa isang bar kung saan ginanap ang pa-event ng Marlboro. Hindi ko naman gustong magpahalik kahit cute pa ‘yung guy. Kasalanan ko ba kung ma-attract siya sa ‘kin? Kaya para maayos ang gusot sa pagitan naming dalawa ng BF ko, niyaya ko na lang siya sa isang motel sa Pasig at buong magdamag kaming nag-sex.

Hindi naman sa pagmamayabang pero marami ang nagsasabi na kamukha ko raw si Diana Zubiri at kahubog ko rin ang katawan nito pati na ang malulusog nitong breasts na maraming beses nang dinede ng BF ko sa madidilim na bahagi ng campus, mga classrooms na walang tao, library, at parking lot. Maraming beses na rin kaming nag-quickie sa campus. As in all the way. “Mr. Quickie” nga ang pabirong tawag ko sa kanya ‘pag inaabot siya ng libog kahit ‘di pa man lumulubog ang araw. (Itutuloy)