Tuesday, June 30, 2009

Utos ng hari (Ikalawang Bahagi)

Bagama’t terror ang tawag sa kanya sa campus, hindi naman horror ang pagmumukha ni Sir Roland. Sa katunayan, kahit pa sangkataberbang estudyante na ang kanyang ibinagsak, hindi pa rin maiwasan ng ilang bumagsak na babae ang mapatili kapag nakikita ng mga ito si Sir Roland na naglalakad sa hallway. Parang nalilibugan pa ang mga ito sa grade na 5.0 sa subject na itinuturo ni Sir Roland.

Guwapo naman kasi si Sir Roland kahit sabihin pang pumapalo na ang edad nito sa 40. Sa subject ko nga sa kanya, halos 95% ang bilang ng mga babae sa klase at ang karamihan, sexy kung manamit. Isa na ‘ko run. Malamang nasisilip ni Sir Roland ang panty at singit ng karamihan sa mga kaklase kong babae. Isa rin ako r’un. Malaki at malusog din ang pangangatawan ni Sir Roland dahil regular itong tumatakbo sa oval at member din siya ng org ng mga mountaineers. Saka matikas kung manamit si Sir Roland, hindi katulad ng ibang prof na panahon pa ng Hapon ang porma. Si Sir Roland, s’wak sa uso.

Minsan nang naintriga sa campus si Sir Roland. Maugong na tsismis ito. Lahat ng kampo, may version ng istorya. Kumbaga sa showbiz, na-link siya sa maganda at super hot na propesora na asawa ng chancellor namin. Napabalita na nag-sex sina Sir Roland at ‘yung asawa ng chancellor namin sa isang science lab sa campus nang parehong abutan ng libog. Buong magdamag daw na nag-sex ‘yung dalawa at marami rin daw test tube ang nabasag. Halos madurog sa kahihiyan si Sir Roland. Mabuti na lang at mariing itinanggi ng propesora ang nangyari. Nakalusot si Sir Roland sa chancellor namin at naisalba niya ang teaching career niya. Pero hindi naman daw talaga tumigil sa pagkikita ang dalawa. Tuloy pa rin daw ang mga ito sa palihim na pagtatalik. Napabalita pa nga nag-sex ang mga ito sa mismong office ng chancellor nang magpunta sa Visayas ang university official.

Nang sabihin sa akin ni Sir Roland na puntahan ko siya sa faculty room niya ngayong hapon, bigla akong kinabahan. Naisip ko na baka ibabagsak na ‘ko ni Sir Roland dahil ‘di nga ‘ko pumasa sa lahat ng exams namin at ‘di na niya ako pakukunin pa ng final exam dahil balewala rin naman ito. Pero baka naman bibigyan niya ‘ko ng chance na maipasa pa ang subject.

Nang dumating ako sa College of Science bago mag-4PM upang puntahan sa room niya si Sir Roland, halos wala nang tao sa building, hindi ko alam na dinismis na pala ng chancellor ang lahat ng klase kanina pang tanghali dahil sa nagbabanta ang isang malakas na ulan bago gumabi.

Matapos magbasa ng kung anu-ano sa mga bulletin boards, nagpunta na ako sa room ni Sir Roland. Hindi pa rin mawala ang kaba ko habang naglalakad sa hallway ng mga faculty rooms. Napansin ko ang lalo pang paglobo ng mga breasts ko dahil sa matinding takot. Natawa na lang ako sa sarili ko nang mapansing halos nakalabas na ang mga suso ko dahil sa malalim na bukas ng suot kong shirt. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment