Wednesday, July 1, 2009

Utos ng hari (Ikatlong Bahagi)

“Pasok,” ang mahinang sabi ni Sir Roland matapos ang pagkatok ko sa pintuan ng faculty room niya. Inayos ko muna ang suot kong shirt para hindi maglumuwa ang mga breasts ko. Kabado pa rin ako pero sabi ko sa sarili ko, kailangan kong lakasan ang loob ko dahil future ko ang nakataya rito. Marahang kong pinihit ang doorknob ng pinto at pumasok.

Pinaupo ako ni Sir Roland sa silyang nasa harap ng kanyang mesa. Ngumiti muna siya bago huminga nang malalim at saka niya sinimulan ang kanyang litanya tungkol sa mga problema niya sa akin bilang estudyante niya. Kasama sa kanyang litanya ang madalas kong pag-absent, ang hindi ko pagsagot ng tama sa mga recitations, higit sa lahat, ni isa, wala akong ipinasa sa mga exams na ibinigay niya. Importante raw ang mga exams na ito sa pagbibigay niya ng grade. Sinubukan kong mangatuwiran sa alam kong tama ako pero binabara lang niya ako ng mga puntong higit na tama. Kaya nanahimik na lang ako habang tuloy pa rin ang kanyang paglilitanya. Tinapos niya ang kanyang litanya sa pagsasabing ibabagsak niya ako.

Parang sumabog sa mukha ko ang bomba. Alam ko naman na nanganganib ako sa subject na hawak ni Sir Roland pero iba ang dating kapag nanggaling mismo ito sa bibig ng propesor. Hindi ako nakapagsalita, napayuko, at napansin ko na lang na tumutulo ang aking luha. Ang pakiramdam ko, gumuho ang mundo ko. Huli na nang mapansin ko na nakalabas na pala ang halos kalahati ng suso ko. Nang mapatingin ako kay Sir Roland, nahuli ko ang mga mata niya na nakatitig sa suso kong natuluan ng sarili kong luha. Pero hindi niya inalis ang kanyang pagkakatingin sa nakabuyangyang na bahagi ng aking katawan na ewan ko kung bakit hindi ko nagawang ayusin.

Mayamaya, naramdaman ko ang mainit na haplos ng kamay ni Sir Roland sa braso ko. Sabi niya sa akin, may pag-asa pa at hindi ko kailangang umiyak. Nagpatuloy siya sa paghaplos sa braso ko. Marahan at masarap na haplos. At doon lang pumasok sa isip ko ang dahilan ng pagpapapunta niya sa akin sa kuwarto. Ipapasa niya ko kung papatol ako sa kagustuhan niya.

Naririnig ko mula sa kuwarto ni Sir Roland ang malakas ang ihip ng hangin sa labas. Uulan na yata nang malakas. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment